Just wanna share my poem, i made this when i was in grade 11, nagkaroon kasi ng role play and kinakailangang may sabihin ang lead actor namin so ako yung na assign gumawa ng tula.
(walang maisip na title)
Buhay na mabangis
Hindi ko ito ninais
Kaguluhan sa aking isip
Parang di na umaalis
Bisyo'y aking tinangkilik
Para problema'y mawaglit
Ngunit bakit lumala
Hindi kayo nagbabala
Ako itong nahihirapan
Hindi ninyo inagapan
Isang sandaling napansin
Presensya mo'y dumating
Biglang napagtanto
Tila ako'y nagbago
Ngayon ay sumusumpa
Di na muling mapaririwara
Pagkat inyong niligtas
Kaluluwa kong liko ang landas
Panis naging makata ang isang walang kwentang blogger na tulad ko.
2 years ng nakalipas pero hindi ko pa rin alam title nito lol so yung tulang ito hindi ko inaasahang magiging related siya saakin ngayon. Walang clue, nagbabasa lang ako ng journal ko ng makita ko ulit yang tula at napagisip ko na ilapag siya dito.
Wala tayong clue kung ano mangyayari saatin sa mga susunod na panahon.
Ako hindi ko inaasahang magiging ganito ako ngayon pero alam kong hindi nagbago yung ugali kong hindi pagtapak sa ibang tao.
Ako pa rin yung may mababaw na luha, uto uto, mabilis mapikon but somehow strong na ako.
sa 18 years na pagexist ko sa earth for sure madami akong natutunang kabutihan, kanegahan, kabullshitan in layp at can't wait kung ano pang mafi-figure out ko.
Wow looking forward jaze, hindi ko na expect na nagexist pala talaga ako sa mundong ito lol
hanggang sa muli juries.
Comments
Post a Comment