Crying hours

It's 1 am. Naalala ko lang noong panahong down na down ako, halos umaga na ako nakakatulog dahil sa panonood ng mga sad and inspiring movies tuwing gabi. Minsan anime or tv series tapos ang genre ay psychological, sci-fi, horror at life lessons.
Gustong gusto ko yung napapaiyak ako ng mga pinapanood ko kasi feeling ko valid yung pagiyak ko.
Typical kasi sakin yung pagiyak ng walang dahilan. Nakakabaliw pero normal na tao pa naman ako.
Yung oras na ito, kung hindi ako nanonood ay nagsa-soundtrip ako ng mga nakakalungkot para mas lalong maging malungkot ako, what a strange defense mechanism lol.
So wala skl. Parang nakakamiss din kasi yung ganoong gawi ko dati (wow).
At eto pa, ganitong oras din masayang pagusapan yung mga kabigoan mo in life. Sa oras na ito nagiging vulnerable tayo kaya madalas dito tayo umiiyak, sinabi yun sakin ng isa kong kakilala. Parang nagiging honest tayo about sa feelings natin once na vulnerable tayo, sarap lang sa pakiramdam parang rebisco hehehe 😅 so btw kapag hindi ako makatulog nood at soundtrip ang ganap ng lola nyo.
Minsan kapag hindi ko trip gawin ang mga trip na yan iba ang tinitrip ko. Wiw 😂
Ayun humahanap ako ng stranger tapos sakanya ako nagsheshare ng kashitan ko in layp. Iba kasi feeling kapag nagshare ka sa hindi mo kilala eh para bang wala kang takot ma judge bcos in the first place hindi ka nya knows and wala siyang pake sa layp mo, makikinig lang sya sayo, swerte mo kung magbibigay yan sayo ng malupit na advice like wag kang susuko in layp bcos bata ka pa chuchu ganern ganern iw lol but nagpapasalamat ako sa mga strangers na nakinig sakin nung time na gusto ko na sumuko. Hello poo! Baka sakaling napadaan kayo sa walang kakwenta kwenta kong blog hihi.
Ngayon hindi ko na siya ginagawa hehehe, nagsusulat na lang ako sa journal ko or bina-blog ko na lang siya. Wala... Para naman may pakinabang 'tong internet namin noh hindi yung puro facebook, ig, twitter lang pang gamit nitong internet namin staka para maiba din hehehe.
So yun lang. Bigla ko lang namiss yung pag tulog ko ng 4 am at ang ginagawa ko lang ay umiyak while in my deep thoughts or sharing my thoughts to stranger or watching Studio ghibli movies and so on.

Ps. Sarap tumambay sa terrace while waiting a space ship tas magpakuha sa alien and while drinking malamig na delight 😍 ugh watta concept.

Comments